Mga Benepisyo Ng Orange At Mga Sakit Na Natutulungan Nito
1. Nakakatulong sa pagbabawas ng timbang
2. Nakakapagpabagal ng maagang pagtanda
3. Nagre-regulate ng blood pressure levels
4. Nakakapagpababa ng cholesterol levels
5. Mabuti sa kalusugan ng puso
6. Nakakatulong sa may diabetes
7. Maiiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones
8. Nakakatulong malunasan ang anemia
9. Nagpapalakas ng resistensya
10. Nakakabawas ng risk ng colon cancer
11. Mabuti sa kalusugan ng mata
12. Malulunasan ang polycystic ovary syndrome
...
https://www.youtube.com/watch?v=LCkmxNR0RmA
Mga Pagkain Na May Negatibong Epekto Sa Ating Kalusugan
1. White bread
Ang white bread ay gawa sa uri ng bread flour na naproseso mula sa wheat.
Ang prosesong ito ay inaalis ang bran at germ na bahagi ng wheat grain.
Ang whole wheat ay kadalasang darker at denser, dahil sa nagtataglay ito ng maraming nutrients at fiber.
Ang dalawang aspetong ito ay mabuti sa ating digestion at nagbibigay sa ating katawan ng nutrisyon na kailangan natin.
Ang white bread ay may light flavor, subalit ito ay gawa mula sa endosperm layer ng wheat grain at nagtataglay ito ng kaunting nutritional value.
Mas mabuti pa ang pagkain ng whole grain bread dahil siksik ito sa mga essential nutrients.
Ang pagkain ng white bread ay maaaring magpataas ng risk ng pagkakaroon ng type-2 diabetes, sakit sa puso at pagiging obese.
2. Potato chips
Maraming rason kung bakit ang pagkain ng sobra ng mga chips ay masama sa ating kalusugan dahil hindi ito nagbibigay ng balanse na source ng calories.
Ang dami ng oil at carbohydrates na taglay nito ay hindi mabuti sa ating kalusugan at mababa pa ito sa mga nutrients.
Ang pagkain nito na walang taglay na preservatives ay magandang option, subalit mas maigi pa rin na limitahan ang pagkain ng chips at kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina, protein at fiber.
Ang pagkain ng potato chips ng sobra ay maaaring magdulot ng pagdagdag ng timbang, dry skin, kidney disease, headaches, problema sa pagtulog at inflammation.
3. French fries
Ang french fries ay katulad din ng chips na mababa ang taglay na nutrients.
Masarap ang pagkaing ito, subalit ito ay may taglay na trans fats na hindi mabuti sa ating kalusugan.
Ang trans fats ay nauugnay sa pagpapataas ng risk ng pagkakaroon ng heart disease, cancer, diabetes and obesity.
4. Fried chicken
Ang manok ay masarap at sagana sa lean protein.
Subalit, ang pagprito ng manok ay isang unhealthy na paraan sa pagluluto nito.
Mas mabuting e-grilled o air fried ang manok, nakakatulong pa ito na maiwasan ang saturated fats at trans fats.
Ang mga fats na ito ay nagpo-promote ng pamumuo ng taba sa ating mga ugat na maaaring magdulot ng coronary artery disease, heart failure, heart attack at stroke.
5. Processed meatsĀ
Ang processed meats ay mababa sa nutrients at may taglay na preservatives.
Ang pagkonsumo ng sobra nito ay may negatibong epekto sa ating kalusugan.
Ang pagproseso ng karne ay kasama na ang pagdaragdag ng nitrates at nitrites na sinasabing nagpapataas ng risk ng pagkakaroon ng cancer.
Mataas din ang taglay na sodium ng processed meats na isa sa nagdudulot ng pagtaas ng blood pressure.
Ang pagkain ng sobra ng processed meats ay nauugnay sa pagpapataas ng risk ng pagkakaroon ng heart disease at diabetes.
6. Matatamis na cereal
Gaya ng pagkain ng candy, ang mga matatamis na cereal ay maraming taglay na carbohydrates at asukal at may taglay itong mababang protein, fiber at bitamina.
Maraming uri ng cereal ay highly processed at mayaman sa refined grains at added sugar.
Ang pagkain ng sobra ng mga pagkaing may added sugar ay nakaka-contribute upang magdulot ng chronic health conditions, katulad na lamang ng heart disease, type-2 diabetes at liver problems.
Maaari naman piliin ang mga cereal na may mababang asukal at may mataas na protein at fiber.
Gaya ng plant-based o dairy milk na nakakatulong magpataas ng enerhiya at nagbibigay ng pakiramdam na kabusugan ng matagal.
7. Margarine
Ang margarine ay sagana sa saturated fats na nagpapataas ng bad cholesterol na may negatibong epekto sa ating kalusugan.
May ibang margarine din na may taglay na trans fats na hindi kayang iproseso ng ating katawan.
Kilala ang trans fats at saturated fats na nagdudulot ng pagtaas ng risk ng heart disease, stroke at iba pang chronic health issues.
8. Baked goods
Ang mga baked goods gaya ng cakes, donuts at iba pang baked goods ay masasarap.
Subalit, ang mga ito ay siksik sa carbohydrates at saturated fats.
May taglay din itong mababang fiber, protein at bitamina.
Ang pagkain ng matatamis ay nakakapagpataas ng blood glucose levels at maaaring mauwi sa pagkakaroon ng diabetes.
...
https://www.youtube.com/watch?v=Z8G1wnrRiYE
Mga Natural At Epektibong Paraan Para Mapanatiling Malusog At Malinis Ang Ating Kidney | Halamang Gamot ATBP
...
https://www.youtube.com/watch?v=1JC15S8a7mI