Nagagamot naman ang binat, kung ang iyong sintomas ay mild pa lamang.
Sa video na ito, magbabahagi kami ng mga home remedy na maaaring subukan upang malabanan ang binat.
1. Pagpapahinga
Bumawi ng lakas at tiyaking makakatulog nang hindi bababa sa walong oras araw-araw lalo na sa gabi.
Iwasan din ang stress na maaaring makaapekto sa iyong mental at emotional stress dahil malaki ang epekto nito sa physical body.
Huwag na rin munang gumawa ng gawaing bahay na sobrang mabibigat.
2. Kumain ng masusustansyang pagkain
Dahil nga sumailalim ang iyong katawan sa labis na sakit at operasyon, kinakailangan nito ng magpapalakas sa iyong katawan.
Malaking tulong diyan ang pagsu-supply ng healthy foods na mayaman sa bitamina, minerals, at iba pang nutrients na kailangan ng kaka panganak pa lamang.
Sa pagkain nang tama, mapapabalik nito ang iyong healthy mind and body.
3. Gumamit ng halamang gamot
Kung nais mo namang gamutin ang binat nang natural mayroong mga halamang pwedeng gamitin.
Nakatutulong daw ang mga halaman tulad ng sambong, yerba beuna, at artamesa.
Gumaganap daw kasi ito bilang aroma therapy sa mga nakararanas ng binat sa pamamagitan ng pagma-massage.
4. Uminom ng paracetamol tablets
Para mabawasan ang ilang sintomas na labis na kinahi hina na ng katawan, maaaring uminom ng paracetamol.
Makatutulong ito upang mawala ang sakit ng ulo, lagnat, at pagkahina ng katawan.
...
https://www.youtube.com/watch?v=nD4k58r0Z_U
Ang bayabas ay isa sa kilalang halamang gamot lalo na ang dahon dahil sa mga benepisyong naibibigay nito.
May taglay itong fiber, protein, vitamin C, folate, vitamin B5, vitamin B6, niacin, magnesium, potassium, phosphorus at manganese.
Sa video na ito, magbabahagi kami kung paano gumawa ng nilagang dahon ng bayabas o guava leaves tea at mga benepisyo nito sa ating katawan.
Narito ang mga hakbang kung paano gumawa ng nilagang dahon ng bayabas o guava leaves tea
1. Kumuha ng dahon ng bayabas, kahit ilan basta hindi bababa sa anim.
Para sa akin, mas gusto ko ang maraming dahon dahil nagugustohan ko ang tapang ng lasa nito.
2. Alisin sa tangkay ang mga dahon.
Alam nyo ba, may taglay na anti-bacterial at anti-fungal properties ang dahon ng bayabas.
Kaya mabuti itong panlaban sa diarrhea, constipation at pagpapagaling ng sugat.
Ma'aari ring gamitin ang dahon ng bayabas upang labanan o iwasan ang cancer.
3. Ibabad muna ng limang minuto ang dahon bago ito hugasan upang maalis ang mga dumi na ma'aaring nakadikit sa dahon.
4. Pagkalipas ng limang minuto, hugasan na nang maigi ang dahon.
Matagal ng ginagamit ng ating mga ninuno ang dahon ng bayabas bilang halamang gamot at hanggang ngayon ay marami pa rin tumatangkilik sa kakayahan nito.
Lalo na ang kakayahan nitong panlunas sa pananakit ng ngipin, mabuti sa kalusugan ng ating puso't mata at nakakatulong sa nagbabawas ng timbang.
Ang dahon ng bayabas ay isa sa mga halamang gamot na napatunayan ang pagiging epektibo nito na panlunas sa ilang mga sakit at kondisyon.
5. Magpakulo ng dalawa hanggang tatlong ba'song tubig.
6. Kapag napakulo na ang tubig, ilagay ang dahon ng bayabas.
Hayaan muna ito na kumulo ng sampung minuto.
Ang katas ng dahon ng bayabas ay malaki ang naitutulong sa mga taong may diabetes na mataas ang blood sugar levels at sa mga taong may mataas ang cholesterol levels.
Dahil may kakayahan ang dahon ng bayabas na mapababa ang blood sugar at bad cholesterol levels.
7. Kapag natapos na ang sampung minuto ng pagpapakulo, patayin ang apoy at hayaan muna itong lumamig ng kaunti.
Ang pag-inom ng nilagang dahon ng bayabas ay nagpapalusog ng paningin at nagpapalakas ng ating immune system.
Mabuti din ito sa mga taong dumaranas ng arthritis o rayuma dahil may taglay itong anti-inflammatory properties.
Ang dahon ng bayabas ay mayroon ding antioxidants na lumalaban sa mga free radicals na syang nagdudulot ng pagkasira ng ating cells na ma'aaring mauwi sa cancer.
8. Alisin ang dahon.
Maaari naman gumamit ng salaan upang mapadali ang pagtanggal ng mga dahon.
Subalit, kung gagamitin nyo ang nilagang dahon ng bayabas sa paglilinis ng sugat, pampaligo sa bagong pa'nganak at bagong tuli, mas maigi na huwag na lamang alisin ang dahon nito.
9. Ilipat sa baso o tasa ang nilagang dahon ng bayabas, palamigin ito ng kaunti at pwede ng inumin.
Kung hindi pa sanay sa lasa ng nilagang dahon ng bayabas, ma'aaring magdagdag ng honey para maiba ang lasa at may dagdag benepisyo pa ito.
Ang nilagang dahon ng bayabas ay may shelflife lamang na apat hanggang anim na oras.
Kung ilalagay naman ito sa refrigerator, siguraduhing iinumin na hindi lalampas ng walong oras dahil ito ay maaaring mapapanis.
Kaya mas maigi pa rin ang gumawa ng preskong tsaa kaysa sa tsaang lumamig na ng matagal.
Ang pag-inom ng mga halamang gamot ay dapat iniinom isang oras bago kumain, lunes hanggang biyernes at restday naman ang sabado at linggo sa pag-inom nito.
Bukod sa mga nabanggit, narito naman ang iba pang benepisyo ng pag-inom ng nilagang dahon ng bayabas o guava leaves tea
1. Panlunas sa ubo at sipon
2. Nakakabawas ng acne
3. Nagpapaganda ng balat
4. Nakakaiwas ng hair loss
5. Panlaban sa insomnia
6. Panlunas sa ulcer
7. Mabuti sa ating utak
...
https://www.youtube.com/watch?v=ieOD6F5dUVs