pagsasama natin na parang halo halong puno ng kulay at tamis,
ngunit para din itong yelo na matutunaw kahit itoy hindi mo nais.
leche flan sa ibabaw ay kasing sarap ng pagmamahal na aking natikman,
yung akala mong tamis na hindi na mawawala kaylanman.
pagmamahal na sana ay pinag iinit,
ngunit naging isang malamig na yelo at parang tamis ay biglang naging mapait.
ubeng nasa ibabaw na sobrang lagkit,
pagmamahal na sana ay hindi na kaylangan pang ipilit.
alam mo ba yung naging kayo pero di man lang nag tagal?
pero bakit ganun? pag momove on mo ay parang kay bagal?
di ba dapat mabilis lang?
kasi pagsasama niyo ay di man lang umabot ng isang buwan.
sadyang kay bilis ng mga pangyayari,
yung bigla nalang siyang magpaparamdam sayo hindi mo alam kung totoo o kunwari.
hindi mo mawari?
kasi napakasaya ng mga sandali.
hindi mo na namalayang nahuhulog ka na pala sa kanya,
masakit pa jan pinaasa ka lang pala.
hinayaan mong mahulog ang sarili mo,
kasi akala mo may sasalo sayo.
ano ka ngayon?
ayan at hirap mag move on!
masakit di ba?
aminin mo, dahil ganyan talaga.
panahon ay lilipas at makakalimutan mo siya,
ang tanong, hanggang kaylan kaya?
hanggang kaylan ka aasang ang sakit ay mawawala,
gayung hindi mo man lang mawari ang kanyang pagkawala.
oo umiikot ang mundo,
pero paano kung siya na ang naging mundo mo?
yung mundo mong bigla nalang nawalan ng kulay,
dahil sa bigla niyang paglisan sa `yong buhay.
move on din pag may time,
madaling sabihin pero sobrang hirap gawin...
this was my very first ride gala sa bukid. takot kasi ako sa motor hahaha.. biglang nag aya yung friend kong mag buda daw kami, so ayun sumama din ako kasi gusto ko mawala na takot ko sa pag sakay ng motor.. napakaganda ng tanawin.
ako ay napatunganga at nakatitig na lamang sa kisame,
tinititigan ang bawat ikot nitong elesi,
hindi ko alam kung ano ang aking iniisip,
dahil di ko man lang magawang umidlip.
heto at umaga na,
ngunit mga mata ko ay dilat at gising pa.
mga matang wala ng nagawa ng ito ay lumuha,
hindi ko man lang alam kung bakit gayong hindi ka naman nawala.