17 Benepisyo Ng Pagkain Ng Kamatis
0:00 Introduction
0:17 17 Benepisyo Ng Pagkain Ng Kamatis
0:23 Napipigilan magdevelop ng cancerous cells
1:02 Nakakabawas ng blood pressure
1:20 Maganda sa ating puso
1:43 Maganda para sa ating kidney
2:09 Nakaka-improve ng paningin
2:35 Maganda sa mga may diabetes
3:07 Mabuti sa ating digestion
3:29 Depression Remedy
4:02 Pampabawas ng timbang
4:26 Nag-aayos ng mga cells
4:44 Maganda sa muscle building
5:11 Mabuti sa nagbubuntis
5:43 Antioxidants
6:09 Nagpapataas ng sperm count
6:30 Magandang panlaban o pang-iwas sa chronic diseases
6:55 Nakakaiwas sa maagang pagtanda
...
https://www.youtube.com/watch?v=PLqHCZ7-ZDg
Mga Benepisyo Ng Mais Bigas O Corn Rice At Mga Sakit Na Natutulungan Nito
1. Magandang Source ng Energy
Ang mais bigas ay isa sa pagkain na magandang pamalit sa kanin upang mapagkunan ng alternatibong enerhiya ng katawan.
Mayaman ang mais sa calories, ang 100grams nito ay may taglay na 345 calories.
2. Panlaban sa Indigestion
May taglay na 18.4% ng fiber ang mais bigas, amount na kailangan ng ating katawan.
Nakakatulong din ito sa pagpapababa ng indigestion gaya ng constipation at hemorrhoids.
Ang fiber ay isang substance na nakakatulong sa diarrhea sa pamamagitan ng pag-stimulate ng peristaltic pump at produksyon ng gastric acid.
3. Panlunas sa Diarrhea
Ang bigas na mais ay may taglay na fiber na pinaniniwalaang nakakatulong na maibsan ang Irritable Bowel Syndrome (IBS) at diarrhea.
4. Pang-iwas sa Cardiovascular Disease
May taglay na anti-atherogenic effect ang bigas na mais na nakakabawas ng risk ng cardiovascular interference sa pamamagitan ng pagpapababa ng cholesterol levels ng katawan.
Ito ay nakakatulong na maibsan ang posibilidad ng pagbabara sa ugat, pagbaba ng blood pressure at maiibsan ang risk ng heart attack at stroke.
5. Nagpapalakas ng Immune System
Ang bigas na mais ay nagtataglay ng beta-carotene kung saan ay source ng vitamin A.
Ang vitamin A ay importante sa pag-maintain ng kalusugan ng balat at nagpapalakas ng ating immune system.
6. Nakakabawas ng risk ng pagkakaroon ng Cancer
Ang fiber ng bigas na mais ay nakakatulong na maiwasan ang pamumuo ng colon cancer.
Bukod sa fiber, mayaman din ang bigas na mais sa phenolic acid na isang ferulic compound na nagiging anti-cancer.
Ang compound na ito ay napatunayang epektibo sa paglaban ng tumor sa breast cancer at liver cancer.
May taglay din na anthocyanins ang bigas na mais na lumalaban sa free radicals na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng cancer.
7. Pang-iwas sa Anemia
Ang bigas na mais ay may taglay na iron na nakakatulong maiwasan ang anemia.
Dahil ang iron ay tumutulong sa paggawa ng bagong red blood cells sa ating katawan.
8. Mabuti sa kalusugan ng buto
Ang bigas na mais ay may taglay din na calcium, phosphorus at magnesium na tumutulong ma-maintain ang kalusugan ng buto sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapatibay sa ating mga buto.
9. Mabuti sa ating kidney
Maraming benepisyo ang naibibigay ng pagkain ng bigas na mais dahil sa phosphorus na importante sa pagprotekta sa paggana ng ating kidney at mapanatili sa normal nitong kondisyon.
10. Mabuti sa mga buntis
May taglay na folic acid ang bigas na mais na importante sa paglaki ng embryo sa sinapupunan.
Dahil ang inang may kakulangan sa folic acid ay maaaring magresulta ng problema sa pinagbubuntis na bata.
Ang pagkain ng bigas na mais ay nakakapagpabilis din ng produksyon ng breast milk o gatas ng ina.
11. Mabuti sa kalusugan ng mata
May taglay na carotenoid compound na binubuo ng lutein at zeaxanthin na nagbibigay kulay dilaw sa mais.
Ang mga ito ay nakakatulong upang ma-maintain ang kalusugan ng ating mata.
Nakakaiwas din ang compound na ito sa pagkakaroon ng catarata at iba pang problema sa mata.
12. Pang-iwas sa UTI
Ang mais ay may taglay na diuretic properties na nakakatulong maiwasan ang UTI o urinary tract infections.
Makakatulong din itong malunasan ang uric acid at maiwasan ang kidney stones.
...
https://www.youtube.com/watch?v=Fz2YX2AmmbY