LBRY Block Explorer

LBRY Claims • paano-mahalin-ang-diyos-ayon-sa-2

721cc8f36b63adb764b021492745324853aa50fa

Published By
Created On
13 Mar 2023 14:42:59 UTC
Transaction ID
Cost
Safe for Work
Free
Yes
Paano mahalin ang Diyos ayon sa Bibliya
Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UCzCjuwCSrvw8C1w0eONNeig/join

Speaker: Rocky Kiley Valera
Theme: Paano mahalin ang Diyos ayon sa Bibliya?
Date: March 12, 2023

Umpisahan natin sa tatlong katanungan.
a. Mahal mo ba ang Diyos?
b. Paano mo Siya mamahalin?
c. Mahal mo ba Siya ayon sa Bibliya?

Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang ipinapakita sa mga gawaing pang-relihiyon. Upang mahalin ng totoo ang Diyos ay kakailanganin ang higit pa sa mga gawaing pang-relihiyon (Halimbawa: LUCAS 18:9-14).

Napakahalagang malaman natin kung paano natin mamahalin ang Diyos ng totoo dahil paano mo ito maibabahagi sa iba kung ikaw mismo ay hindi mo alam kung papaano mo Siya mamahalin ng naaayon sa Bibliya.

Paano mahalin ang Diyos ayon sa Bibliya?
I. KILALANIN ANG DIYOS
Kung nais nating mahalin ang Diyos ay kilalanin natin Siya (To love God is to know Him).
Paano natin Siya makikilala?
a. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang mga salita. Dahil ang Bibliya ay tulad ng Kanyang autobiography.
b. Sa pakikinig sa mga mangangaral ng Diyos. Dahil makakatulong din ito sa atin na madagdagan ang ating kaalaman tungkol sa Diyos.

Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita ay dito unti-unting nagpapakilala ang Diyos sa taong totoong nais Siyang makilala. Kaya upang makilala talaga natin ang Diyos ay sa pamamagitan ng pagbabasa at pakikinig ng Kanyang mga salita.

Ang tanong kilala ba natin Siya?
Upang makilala natin ang Diyos ay kailangan ng oras, pagsisikap at pananaliksik. Ito ay tuloy-tuloy habang tayo ay nabubuhay.

II. SUNDIN ANG KANYANG MGA SALITA
Paano natin malalaman ang utos ng Panginoong Hesu-Kristo o ang Kanyang mga salita? Sa Bibliya lamang.

Ang lahat ng mga tagubilin (instructions) ng Panginoong Hesus ay maituturing na Kanyang mga utos.

Dapat yung pagsunod natin ay may tunay na pagmamahal sa Diyos. Ginagawa natin ang ating gampanin dahil mahal talaga natin Siya at mahal natin ang Kanyang banal na gawain.

1 CORINTO 16:14, Lahat ang inyong ginagawa ay gawin ninyo sa pag-ibig.

Dapat nating ipamuhay ang mga nababasa at napapakinggan nating mga salita o aral ng Diyos at dito’y naipapakita natin na minamahal natin Siya ng totoo.

III. Mahalin ang kapwa mananampalataya at kabilang ang kapwa tao
1 JUAN 4:20-21
Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita? At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.

Paano natin maibibigay ang pag-ibig sa Diyos na nasa langit kung hindi natin maibigay ang pagmamahal sa mga taong madali nating maabot dito sa lupa?

Makikita ang pagmamahal natin sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa ating kapwa. Kumusta ang relasyon natin sa ating mga pamilya mismo na siyang ating unang ministeryo, mga kaibigan, mga kapitbahay, workmates at kapwa mananampalataya.

Ano nga ulit yung sinasabi sa ating binasa sa 1 JOHN 4:20, Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling, kaya dito malalaman kung nagsisinungaling tayo o hindi at ayaw nating matawag na sinungaling.

IV. Do not love money or anything else than God.
MATEO 6:24
Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi tayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.

Sa Diyos tayo susunod at Siya lamang ang paglilingkuran natin at ang
'pinaka' sa lahat-lahat sa ating buhay at wala ng iba pa.
Hindi natin maibibigay ng buo ang puso natin sa Diyos kapag nahuhulog tayo sa mga ito.

To start loving God is to start ending your love for those earthly things.

PAGTATAPOS:
Pakibasa ang 1 CORINTO 13:4-8, Ang mga talata na ito ay naglalarawan ng pinakamaganda kung anong uri ng pag-ibig ang dapat nating ibigay sa isa't isa, at lalong-lalo na sa ating Diyos (Be patient, kind, humble, truthful, righteous and faithful).

The Greatest commandments of God –MARK 12:30-31 You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength & love your neighbor as you love yourself.

Keep your love (Panatilihin ang ating pag-ibig sa Diyos).
Let love and faithfulness never leave you; bind them around your neck, write them on the tablet of your heart. Then you will win favor and a good name in the sight of God and man. –PROV. 3:3-4.

Kung talagang nasa atin ang Banal na Espiritu ay sigurado puspos tayo ng pag-ibig sa Diyos dahil sabi sa GAL. 5:22-23, ang pinaka-unang bunga ng Banal na Espiritu ay ang pag-ibig.

Kung isinisigaw natin ang pagmamahal natin sa Diyos ay mas lalo sana sa ating mga ipinapakita sa Kanya at sa ating kapwa.

Maraming salamat, limitado lamang ang nakasulat dito kaya mas magandang panoorin ang buong lesson upang maintindihan ng husto.
...
https://www.youtube.com/watch?v=mHi3nOtHjMQ
Author
Content Type
Unspecified
video/mp4
Language
Open in LBRY

More from the publisher

Controlling
VIDEO
ANG W
Controlling
VIDEO
THE 9
Controlling
VIDEO
JESUS
Controlling
VIDEO
GROW
Controlling
VIDEO
SI HE
Controlling
VIDEO
MGA A
Controlling
VIDEO
MGA M
Controlling
VIDEO
NI AP
Controlling
VIDEO
PAKIK