pagsasama natin na parang halo halong puno ng kulay at tamis,
ngunit para din itong yelo na matutunaw kahit itoy hindi mo nais.
leche flan sa ibabaw ay kasing sarap ng pagmamahal na aking natikman,
yung akala mong tamis na hindi na mawawala kaylanman.
pagmamahal na sana ay pinag iinit,
ngunit naging isang malamig na yelo at parang tamis ay biglang naging mapait.
ubeng nasa ibabaw na sobrang lagkit,
pagmamahal na sana ay hindi na kaylangan pang ipilit.
tama na dahil akoy nasasaktan na,
mga salitang nasabi ko ng magpaalam ka.
hindi ko alam kung pano ko napigil ang pagpatak ng aking mga luha,
siguro dahil naramdaman kong ako`y balewala.
pinipilit kong wag ipakitang nasasaktan ako,
sa mga salitang binibitawan mo.
nasasaktan ako alam mo ba?
siguro hindi kasi manhid ka.
hindi ko alam ba`t mo sinasabing nasasaktan ka sa tuwing nasasaktan ako,
dahil iba ang nakikita at nararamdaman ko.
ako ba ang manhid? o talagang wala lang laman ang mga sinasabi mo?
pilit kong iniintindi ang iyong mga sinasabi,
ngunit sadyang ito ay napakasakit na para bang minuminuto`y may sampal sa aking mga pisngi.
mga sampal na sana ay naging pisikal nalang,
hindi yung sampal sa katotohanang ikaw ay nagpapaalam.
this was my very first ride gala sa bukid. takot kasi ako sa motor hahaha.. biglang nag aya yung friend kong mag buda daw kami, so ayun sumama din ako kasi gusto ko mawala na takot ko sa pag sakay ng motor.. napakaganda ng tanawin.
ako ay napatunganga at nakatitig na lamang sa kisame,
tinititigan ang bawat ikot nitong elesi,
hindi ko alam kung ano ang aking iniisip,
dahil di ko man lang magawang umidlip.
heto at umaga na,
ngunit mga mata ko ay dilat at gising pa.
mga matang wala ng nagawa ng ito ay lumuha,
hindi ko man lang alam kung bakit gayong hindi ka naman nawala.