LBRY Block Explorer

LBRY Claims • si-hesus-ay-tumatawag-at-nagbabago-ng

08778d85c13143008ca666018e2d008771cb0cc9

Published By
Created On
3 Feb 2023 04:39:08 UTC
Transaction ID
Cost
Safe for Work
Free
Yes
Si Hesus ay tumatawag at nagbabago ng buhay ng tao (Ang pinakamagandang desisyon mo sa buhay mo)
OBSM
Speaker: Rocky Kiley Valera
Theme: Si Hesus ay tumatawag at nagbabago ng buhay ng tao
Text: MATEO 9:9-10
Date: July 11, 2021

INTRO:
Tinawag mismo ng Panginoong Hesus si Mateo noong nagmiministeryo pa Siya dito sa lupa. At nang pumanhik na Siya sa langit ay ang ginagamit Niyang mga tao upang tawagin naman ang iba ay ang Kanyang mga Orihinal na Alagad o Apostol at iyon din ang mismong iniutos Niya sa Kanila (Mateo 28:18-19).

Ngayon, sa panahon natin ay sinu-sino ang mga Alagad ng Panginoong Hesus dahil nangamatay na ang Kanyang mga Orihinal na mga Alagad o Apostol? Walang iba kundi tayong mga "Kristiyano" na tumanggap, sumampalataya at sumusunod sa Kanya at tayo rin mismo ang Kanyang instrumento para tawagin naman ang ibang mga tao at upang ilapit sa Diyos.

Kung ang iniutos ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga Alagad noong una ay "Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa" ay applicable din ito sa ating mga Kristiyano dahil kabilang ka na sa Kanyang mga Alagad ngayon.

BACKGROUND NI MATEO:
a. Isang maniningil ng buwis (tax collector).
Ang mga maniningil ng buwis ay kinasusuklaman, kinaiinisan o kinagagalitan noong mga panahon ni Hesus at itinuturing silang mga makasalanan.
b. Sila ay mga Hudyo na nagtatrabaho para sa mga Romano kaya't ito ang gumawa sa kanila na mga traydor sa kanilang kapwa mga Hudyo dahil nagbabayad ang mga tao ng buwis sa mga dayuhan na namumuno sa kanila.
c. Ang mga maniningil ng buwis ay hindi binabayaran ng tamang sahod ng mga Romano dahil kung ano nalang ang ibibigay na pera sa kanila ay iyon ang magsisilbing kabayaran sa kanila at inaasahan nilang kumuha ng "dagdag na pera" (kumupit) at makapag-ipon naman para sa kanilang sarili.
d. Maraming mga maniningil ng buwis ang hindi tapat at inabuso ang sistemang ito sa pamamagitan ng pagkuha ng labis (pagnanakaw o pangungupit).
e. Hindi maganda ang background ng mga maniningil ng buwis dahil sila ay nagnanakaw, sinungaling, mandarambong at nanggugulang ng kapwa.

ANG PAGKATAWAG NG PANGINOONG HESUS KAY MATEO:
Hindi lingid kay Mateo na naririnig na niya ang patungkol sa Panginoong Hesus na nagtuturo ng salita ng Diyos, gumagawa ng mga himala at bumubuhay ng patay.
a. Sa simpleng salita lang ng Panginoong Hesus na "Sumunod ka sa akin" ay sumusunod ang tao sa Kanya dahil isa Siyang tunay na halimbawa. (Dapat ganon din tayong mga Alagad ng Panginoong Hesus ngayon na maging halimbawa muna bago maging instrumento para sa iba at iyon ang epektibong pag-kumbida).
b. Iniwan ni Mateo ang kanyang trabahong masama o ang kanyang dating buhay na siyang nagiging sanhi ng kanyang pagkakasala at hindi siya nag-alinlangan dito at wala na siyang dahilan pa sa ating Panginoong Hesus kundi sumunod siya ng kusa at nakinig sa Kanyang mga salita. (Tayo noon ay napakaraming rason o dahilan pero salamat parin sa mga taong nagtiis na ginamit ng Diyos upang tawagin tayo at mailapit sa Kanya at sana maging matiisin din tayo para sa iba kung sila ay maraming rason o dahilan o katanungan kapag iniimbita natin sila sa Gawain ng Diyos).
c. Ito ang "pinakamagandang desisyon" ni Mateo na nagawa niya sa buong buhay niya ay "Ang pagsunod sa ating Panginoong Hesus." (At ganon din tayong mga sumusunod sa Panginoong Hesus. Kung mayroon tayong gustong palitan, ibig sabihin mas maganda, mas mahalaga at mas nakakahigit doon sa gusto nating palitan mula sa dati nating buhay tungo sa bagong buhay kay Kristo).
d. Nakita natin ang transformation ng buhay ni Mateo mula sa pagiging maniningil ng buwis (pangit na background) sa pagiging tunay na Alagad ni Kristo.
e. Tinawag siya ng Panginoong Hesus at ngayon naman ay siya ang tumatawag sa iba tulad sa mga kapwa niya maniningil ng buwis at mga makasalanan upang mailapit sila sa Panginoong Hesus at para magkaroon din ng panibagong buhay.

BAKIT TUMATAWAG ANG PANGINOONG HESUS NG MGA TAO AT PATULOY SIYANG TUMATAWAG?
- Dahil ayaw Niyang malugmok sa kasalanan ang tao o maparusahan at ito'y pagpapakita ng napakadakilang pagibig sa ating kaluluwa.
Kaya magkaroon sana tayo ng pusong katulad ni Kristo na abutin ang iba pang hindi nakakakilala sa Kanya.
Napakasarap damhin na yong dating inakay mo na parang walang kapag-a-pag-asang magbago ay naglilingkod na sa Diyos at nagagamit na sa Gawain ng Diyos.

CONCLUSION:
Kung ang ating background lang ang paguusapan natin ay siguradong madidismaya lamang tayo sa isa't-isa pero salamat sa Panginoong Hesus dahil tayo'y Kanyang hinango at binago.
Dati, tayo ay may mga madidilim na nakaraan pero tinawag tayo ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng mga taong naging instrumento, naging daan at nagtiis para sa atin na Kanyang ginamit.
Ngayon, ikaw naman ang ginagamit Niya para tawagin ang mga ibang tao at upang ilapit sa Kanya.

REFLECTION:
- Sino ka noon at sino ka ngayon nang sumunod ka sa Panginoong Hesus?
- Kung may papalitan ka ano kaya 'yon?
- Ano ang pinakamagandang desisyon na nagawa mo sa buong buhay mo?

"Patuloy na maging instrumento para sa iba dahil iyan ang ating dakilang misyon!"
God bless.
...
https://www.youtube.com/watch?v=kpILHR3JTJo
Author
Content Type
Unspecified
video/mp4
Language
Open in LBRY

More from the publisher

Controlling
VIDEO
PAANO
Controlling
VIDEO
THE B
Controlling
VIDEO
BILAN
Controlling
VIDEO
HEART
Controlling
VIDEO
UNBEL
Controlling
VIDEO
PAGSA
Controlling
VIDEO
SPIRI
Controlling
VIDEO
NAIS
Controlling
VIDEO
MGA A